ni Jeremy F. Calupas
Ang buwan ng Agosto ay pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Buwan ng Kasaysayan bilang pagkilala at pagpapahalaga sa ating pambansang wika—ang Filipino at bilang isang Pilipino. Noong Agosto 7, 2025 ay sinimulan ng Padre Burgos Elementary School ang selebrasyon na ito. Sa pamamagitan ng selebrasyong ito naipapahayag at naipapakita ng paaralan ang ating kultura, identidad, at pagkakaisa bilang isang bansa.
